Sunday, March 13, 2016

Quick Reaction to Rodrigo Duterte's Debacle in UPLB Q&A

The following is a quick reaction straight from my Facebook Profile. Please excuse the usage of Filipino as I feel English won't be able to capture the emotion of the post.



Kahit sino pang kandidato yan, didikdikin yan. Mas madali pa nga madalas tinatanong sa mga kandidatong yan kesa sa mga nagdedebate sa klase e. At hindi ito ginagawa ng mga estudyante para mag mayabang at ipakitang matalino sila. Ginagawa ito para mas mapalalim ang usapan. Sinasabi galit daw tayo sa trapong pasayaw-sayaw lang pag kampanya. O ayan na... ginigisa. Sabay sasabihin walang modo?

Hindi ko sinasabing may point yung nagtanong kay Duterte. Pero oras na magbulag-bulagan tayo sa kahibangan ng mga kandidato at magpokus sa kumukutya sa kanya... damn.

Yung tinanong kay Duterte e parang tungkol sa implementation ng kanyang anti-criminal shits. Malabo ang pagkakatanong. Pero hindi naman humngi ng clarification si Duterte e. Hinayaan ni Duterte na hindi sila magkaintindihan. Ang sagot niya "bomba na lang" na parang ulyaning gusto na lang tapusin ang usapan. Yung nagtanong nakalimutan na ang normal ethics na ineexpect ng lipunan kasi mabigat yung issue sa kanya e. Parang tanga ang pagkakatanong. Pero just like anybody else, he deserves more than a dismissive "bomba na lang" as an answer.

Duterte's running for a position that has the most authority to affect the lives of everyone in our state. Kung merong walang modo dito, si Duterte yun. He's belittling the importance of this election by making it seem like he's not even trying.

It's not who you vote for that determines if you voted wisely. It's how you came to the conclusion that that person is who's best for our nation that counts. Nakakarumi na yung mga taong kulang na lang e gawing Diyos ang mga kandidato nila at mag-alay ng birhen. E kung mag-inom na lang tayo sa halip sa sumamba diyan edi sana matamis.

2 comments:

  1. It's like they're applying for a job and we are the interviewer because they will technicality be working for us. It's fine to ask them tough questions. We are asked tough questions during job interviews, aren't we?

    I like him at first but I'm not sure anymore. I still need to watch all the candidates' moves closely before I can pick finally, I think.

    Also, I don't like it that when he speaks, his supporters are just laughing it off. But when someone questions him, they threaten that person. Para namang untouchable sila. I think it's not fair if one-sided lang tau.

    Tara na nga't maginom na lang! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabeng fanaticism e. Tinuturing na parang artista na hindi ganun kahalaga ang mga binibitawang salita. Ganun ang marami sa atin e. Kaya kelangan talaga ng push para tumungo tayo sa makabuluhanga diskorsong pampulitikal.

      O kaya inom... iyon talaga e! hehe

      Delete